"Kaibigang totoo, blessing sa buhay ko!"
(KATRINA ODEJAR)
Pinakamasayang Nangyari sa Buhay ko!
Sa dinami rami ng mga pangyayari sa buhay ko, hindi ko na alam kung ano sa mga pangyayari na yun ang pinakamasaya. Kahit estudyante pa lamang ako, marami na rin akong pinagdaanan. Sa pamilya, sa kaibigan, sa paaralan at pati na rin sa buhay pag-ibig. Siguro kung ako ang tatanungin, kung ano nga ba talaga ang pinakamasaya sa lahat. Isa lamang ang tanging sagot ko. Ayun yung, nakilala ko si Vladys – bestfriend ko.
Sa panahon ngayon, ang hirap ng makahanap ng totoong kaibigan. Sabi nga nila, sobrang swerte mo na kung makatagpo ka ng kaibigan na talagang nagtagal. Grade 8 noong nagkakilala kami. Una pa nga, nagkakahiyaan. Sa unang usap naming, “Ate Ganda” pa tawag ko sa kaniya. Sa tuwing naaalala ko yon? Mapapasabi na lang ako, “nakakadiri diba?” sabay tawa. Gaya ng normal na bestfriend goals na nakikita sa facebook, masasabi ko na kagaya namin sila. Suportado sa lahat, palaging nandiyan sa tuwing kailangan, hindi nang-iiwan, kahit magkatampuhan nag kakaayos naman, at syempre higit sa lahat, kahit magkalayo ng school, kahit bakasyon at di nagkikita bestfiend pa din ang turing sa isa’t isa. Hindi gaya ng iba, nagbakasyon lang parang hindi ka na kilala. Sa tuwing recognition o masasayang okasyon, kasama ko siya. Palagi siyang nakasuporta. Ang sarap sa pakiramdam na alam mong may kaibigan ka. Totoong kaibigan na alam mong mapagkakatiwalaan, yung hindi ka iniiwan kahit marami na rin kayong pinagdaanan.
Hindi man ako ang pinakaperpektong kaibigan sa lahat. Masasabi ko na sobrang swerte ko kasi binigayan ako ni God ng kaibigan na talagang masasabi kong isa sa mgaa kayamanan ko.
Kaya kung ako ay tatanungin muli kung ano ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko? Isa lang ang isasagot ko, ayun yung nagkaroon ako ng alam kong kaibigan na totoo.
“Mula sa Simula"
(Almond Prensino)
Simula? Simula saan? Saan nga ba nagsimula ang lahat sa akin? Natuwa ba ng mga tao na ako’y nasilayan? Saan ba ako naging masaya? At tanong na bakit ako naririto sa sa mundong ibabaw?
Nagsimula ang lahat sa akin ng ako ay sinilang. Sa ating mundo, masayang makita ng mga magulang ang kanilang mga anak. Maraming pagsubok na naranasan para ingatan ang kanilang mga anak, kaya nalang laking tuwa nila na tayo’y nakita. Tayong mga tao ay isinilang sa mundong ito dahil tayo ay may misyong dapat gampanan at gawin. Ang iba ay para magpasaya, mabigay importansya sa buhay, ang iba naman ay upang makatulong sa pamilya at kapwa, at ang mahalaga ay maging mabuting anak, kapatid sa pamilya at para narin sa ibang tao lalong lao na sa panginoon.
Ako ay naging masaya , nasisiyahan at magiging masaya sa bawat oras ng aking buhay. Kahit na may lungkot at sakit na nararanasan mapapawi rin ito at mapapalitan ng saya.
Ikaw bang nagbabasa nito? Ano satingin mo ang araw na ika’y nasiyahan at saan ito nagsimula? Para sa akin, nagsimula ang aking kasiyahan sa aking mga magulang , dahil simula sa aking kapanganakan naramdaman ko na ang pagmamahal at kasiyahan sa piling ng aking mga magulang. Masaya akong isiping binigyan ako ng Diyos ng buhay , upang makakilala ng magulang, pamilya at mga kaibigang nagbibigay sigla at saya sa aking mundong ginagalawan.
"Ang Pamilya ang biyaya ng Panginoon upang Sumaya!"
(Macy Villanueva)
Ayon sa aking naalala, ang pinaka masayang nangyari sa aking buhay ay nung gabi ng Medya Noche kung saan buo ang aking pamilya. Naroon ang aking ama, ina at kapatid . Kami ng kapatid ko ay natutulog ng gisingin kami ng magulang namin at binuksan nila ang bintana nang bumungad sa amin mga mata ang naggagandahang fireworks sa gitna ng madilim na langit. Tuwang-tuwa kaming bumangon dalawa at nanuod kasabay ang mga magulang na nakangiti at maligaya pa sa piling ng isa't isa. Pagkatapos ng panunuod ay sabay-sabay kaming pumunta sa bahay ng aking tiya at duon mas nabuo ang aking angkan at masdayang nagsalo-salo ng masasarap na pagkain. At muling bumalik sa kanya-kanyang tahanan pagkatapos kumain at natulog ng magkakasama. Ito ay ang pinakamasayang nangyari sa aking buhay sapagkat ito ang panahon na buo at maayos pa ang aking pamilya para sa isang araw na napakaimportante. Ang pakiramdam ng may isang buong pamilya ay napakasaya basta may pamilya ang tao ang buhay ay nagiging makulay, kaya kung ako ay mabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng pamilya ito ay pangangalagaan ko at isesentro ko ang panginoon upang dumating man ang mahihirap na pagsubok sa amin kami ay mananatiling buo at matatag upang mas maging masaya ang aking pamilya. Ang pagkakaroon ng pamilya ay biyaya ng panginoon upang ang buhay ng tao ay mas maging makabuluhan at masaya sa kabila ng lungkot.
"Outing"
(Czarina Holongbayan)
Nagbalik sa aking alaala ang mga masasayang pangyayari na naganap sa aking buhay, pero ano nga ba ang pinakamasaya? Ano yung pangyayari na lubos na nagpasaya sa akin? Bakit itong pangyayari na ito ang itinuturing kong isa mga yaman ng aking buhay.
Itong nakaraang bakasyon nagkakayayaan ang aming buong pamilya, ang "Holongbayan Family" para sa isang outing sa Batangas. Napakasaya ng araw ng iyon dahil nakumpleto kami. Habang nasa biyahe kami, mapabata man o matanda ay nakikisali sa biruan at kalokohan naming magpipinsan, di rin mawawala yung groupie dito groupie doon, kain dito kain doon, at lalong nagpasaya sa amin nang nakarating na kami sa resort king saan napakaganda ng kapaligiran, lalo na ang dagat. Kaming magpipisan ay nagkayayaan magisland hoping, napakaganda ng mgs rock formations na aming nakita at nang nagsnorkeling mas lalo kaming nasiyahan sa aming nakita. At pagkabalik namin sa cottage ang daming pagkain busog busog kaming lahat. Hanggang naggabi na tumamabay kami sa may tabing dagat napaganda ng buwan noon, sobrang liwanag. Kinabukasan mas sinulit na namin magpipinsan ang pagkakataon lahat ng kalokohan ginawa namin, syempre kasama sila tito at tita, hanggang sa umuwi na kami. Sobrang saya ng outing na ito sulit na sulit dahil kahit may pagtatampuhan sa pamilya namin sa huli ay naayos na din kayo sobrang halaga at saya ng pangyayari na ito, hinding hindi ko ito makakalimutan, kaya sa bawat pangyayari na nagaganap sa ating buhay matuto tayong palagahan ang mga pangyayari na nagaganap sa ating buhay dahil isa ito sa mga yaman na hindi mananakaw kailan man.
"Pamilya at Kaibigan"
(Chariz Abella)
Ang pinaka magandang nangyari sa aking buhay ay ang aking pamilya at mga kaibigan dahil sila ang naging aking sandalan sa oras na aking kailangan. Sila ang nakakatulong sakin kapag ako ay may problema. Madali ko silang nalalapitan kapag kailangan ko ang tulong nila. Masaya ako dahil hindi sa kanila wala ako sa kalagayan ko ngayon. Sobra akong nagpapasalat dahil sa binigay sakin. Nasusuportahan ako sa oras ng aking pangangailangan at hindi ako iiwanan. Sobra akong masaya dahil sa kanila. wala na akong hihilingin pa dahil kumpleto nako sa mapagmahal na pamilya at kaibigan. At kahit papiliin man ako sila't sila ang aking pipiliin dahil alam ko na hanggang sa huli masusuportahan nila ako at hindi ako iiwanan. Kaya kung meron man akong papasalamatan na nangyaring maganda sa aking buhay walang iba kundi ang poong may kapal dahil siya ang may gawa ng lahat. Kung hindi dahil sa kanya ay wala tayo sa mundong ito. Dahil bali-baliktarin man ang mundo ang pamilya at kaibigan ko ang magiging sandalan ko sa oras ng kahinaan ko.
"Mga Alaalang Nakalipas"
(Jay-r Tabilangon)
Nung una kong maranasan ang pagsiswimming nung bata pa ako abot langit ang ngiti ko hondi ko masukat kung gaano ako kasaya nung araw na yun feeling ko wala ng makakapantay sa pagsiswimming ko sa beach. Tinitingnan ko ang paligid puro asul at berde ang halos nakikita ko naisip ko bigla ang laki pala ng mundo. hindi ko sukat akalain na masaya pala magswimming at habang tumatagal lalo akong nagiging masaya lalo na't kasama ko ang aking mga kapatid at magulang kapag kasama ko sila sobrang saya ko at wala ng hihigit pa doon . Sobrang saya ko din nung mga panahong wala haloskaming iniintinding problema. Spbrang saya ko din nung nakasakay akong eroplano kabado ako nun at pinagpapawisan ng malamig hindi ko mawari kung nananaginip lang ako na tanwa ko ang nasa baba, sobrang namangha ako sa mga nakikita ko na para bang nananaginip ako ng gising . Ang sarap isipin at balikan
ng mga alaalang nakalipas na lalo na kung masasaya ito.
"Muling Pagkabuhay"
(Umat Gurung)
Ang pinakamasayang pangyayari sa aking buhay ay noong tinanggap ko ulit ang Panginoong Diyos sa aking buhay. Nung mga oras na nawawalan na ako ng tiwala sa sarili kong kakayahan at tingin ko wala na akong makakapitan siya yung bukod tanging nakasagot sa bawat aking mga katanungan. Binuksan ko ng buong-buo ang aking isip, puso't kaluluwa para muli siyang tanggapin at makinig sa kanyang bawat salita. Sa kanya ko naranasan bumangon at mabuhay ng nakangiti, siya rin ang dahilan kung bakit akong gumagawa ng kabutihan ayon sa kanyang kagustuhan. Nais ko lang maipabatid na walang pinipiling oras o panahon para magbago o tanggapin siyang muli dahil siya mismo ang naghihintay kung kailan tayo babalik sa kanyang tabi.
(Dan Raniel Cuevas)
"Tagumpay"
(Dan Raniel Cuevas)
Ang pinaka masayang pangyayari sa aking buhay ay noong mayo 14, 2018. Noong araw na ito nanalo ang aking ama sa pag kakonsehal ng aming barangay. Masaya ako dahil napagtamgumpayan namin ang paghihirap na ginawa nung kampanyahan. Alam ko at alam ng aking pamilya na kayang niyang gampanan at pangalagaan ang aming barangay. Pero mahirap ang isang taga-pag-alaga ng isang barangay. Kaya naman ginagawa ng aking ama ang lahat para magampanang mabuti ang sinumpaan.
Comments
Post a Comment