"Muling Pagkabuhay"
(Umat Gurung)
Ang pinakamasayang pangyayari sa aking buhay ay noong tinanggap ko ulit ang Panginoong Diyos sa aking buhay. Nung mga oras na nawawalan na ako ng tiwala sa sarili kong kakayahan at tingin ko wala na akong makakapitan siya yung bukod tanging nakasagot sa bawat aking mga katanungan. Binuksan ko ng buong-buo ang aking isip, puso't kaluluwa para muli siyang tanggapin at makinig sa kanyang bawat salita. Sa kanya ko naranasan bumangon at mabuhay ng nakangiti, siya rin ang dahilan kung bakit akong gumagawa ng kabutihan ayon sa kanyang kagustuhan. Nais ko lang maipabatid na walang pinipiling oras o panahon para magbago o tanggapin siyang muli dahil siya mismo ang naghihintay kung kailan tayo babalik sa kanyang tabi.
Comments
Post a Comment