Skip to main content

“Mula sa Simula"


“Mula sa Simula"

(Almond Prensino)

Simula? Simula saan? Saan nga ba nagsimula ang lahat sa akin? Natuwa ba ng mga tao na ako’y nasilayan? Saan ba ako naging masaya? At tanong na bakit ako naririto sa sa mundong ibabaw? Nagsimula ang lahat sa akin ng ako ay sinilang. Sa ating mundo, masayang makita ng mga magulang ang kanilang mga anak. Maraming pagsubok na naranasan para ingatan ang kanilang mga anak, kaya nalang laking tuwa nila na tayo’y nakita. Tayong mga tao ay isinilang sa mundong ito dahil tayo ay may misyong dapat gampanan at gawin. Ang iba ay para magpasaya, mabigay importansya sa buhay, ang iba naman ay upang makatulong sa pamilya at kapwa, at ang mahalaga ay maging mabuting anak, kapatid sa pamilya at para narin sa ibang tao lalong lao na sa panginoon. Ako ay naging masaya , nasisiyahan at magiging masaya sa bawat oras ng aking buhay. Kahit na may lungkot at sakit na nararanasan mapapawi rin ito at mapapalitan ng saya. Ikaw bang nagbabasa nito? Ano satingin mo ang araw na ika’y nasiyahan at saan ito nagsimula? Para sa akin, nagsimula ang aking kasiyahan sa aking mga magulang , dahil simula sa aking kapanganakan naramdaman ko na ang pagmamahal at kasiyahan sa piling ng aking mga magulang. Masaya akong isiping binigyan ako ng Diyos ng buhay , upang makakilala ng magulang, pamilya at mga kaibigang nagbibigay sigla at saya sa aking mundong ginagalawan.

Comments

Popular posts from this blog

Masasayang pangyayari sa buhay namin!

"Kaibigang totoo, blessing sa buhay ko!" (KATRINA ODEJAR) Pinakamasayang Nangyari sa Buhay ko! Sa dinami rami ng mga pangyayari sa buhay ko, hindi ko na alam kung ano sa mga pangyayari na yun ang pinakamasaya. Kahit estudyante pa lamang ako, marami na rin akong pinagdaanan. Sa pamilya, sa kaibigan, sa paaralan at pati na rin sa buhay pag-ibig. Siguro kung ako ang tatanungin, kung ano nga ba talaga ang pinakamasaya sa lahat. Isa lamang ang tanging sagot ko. Ayun yung, nakilala ko si Vladys – bestfriend ko. Sa panahon ngayon, ang hirap ng makahanap ng totoong kaibigan. Sabi nga nila, sobrang swerte mo na kung makatagpo ka ng kaibigan na talagang nagtagal. Grade 8 noong nagkakilala kami. Una pa nga, nagkakahiyaan. Sa unang usap naming, “Ate Ganda” pa tawag ko sa kaniya. Sa tuwing naaalala ko yon? Mapapasabi na lang ako, “nakakadiri diba?” sabay tawa. Gaya ng normal na bestfriend goals na nakikita sa facebook, masasabi ko na kagaya namin sila. Suportado sa l...