Skip to main content

"Outing"


"Outing"

(Czarina Holongbayan)

Nagbalik sa aking alaala ang mga masasayang pangyayari na naganap sa aking buhay, pero ano nga ba ang pinakamasaya? Ano yung pangyayari na lubos na nagpasaya sa akin? Bakit itong pangyayari na ito ang itinuturing kong isa mga yaman ng aking buhay.
Itong nakaraang bakasyon nagkakayayaan ang aming buong pamilya, ang "Holongbayan Family" para sa isang outing sa Batangas. Napakasaya ng araw ng iyon dahil nakumpleto kami. Habang nasa biyahe kami, mapabata man o matanda ay nakikisali sa biruan at kalokohan naming magpipinsan, di rin mawawala yung groupie dito groupie doon, kain dito kain doon, at lalong nagpasaya sa amin nang nakarating na kami sa resort king saan napakaganda ng kapaligiran, lalo na ang dagat. Kaming magpipisan ay nagkayayaan magisland hoping, napakaganda ng mgs rock formations na aming nakita at nang nagsnorkeling mas lalo kaming nasiyahan sa aming nakita. At pagkabalik namin sa cottage ang daming pagkain busog busog kaming lahat. Hanggang naggabi na tumamabay kami sa may tabing dagat napaganda ng buwan noon, sobrang liwanag. Kinabukasan mas sinulit na namin magpipinsan ang pagkakataon lahat ng kalokohan ginawa namin, syempre kasama sila tito at tita, hanggang sa umuwi na kami. Sobrang saya ng outing na ito sulit na sulit dahil kahit may pagtatampuhan sa pamilya namin sa huli ay naayos na din kayo sobrang halaga at saya ng pangyayari na ito, hinding hindi ko ito makakalimutan, kaya sa bawat pangyayari na nagaganap sa ating buhay matuto tayong palagahan ang mga pangyayari na nagaganap sa ating buhay dahil isa ito sa mga yaman na hindi mananakaw kailan man.

Comments

Popular posts from this blog

Masasayang pangyayari sa buhay namin!

"Kaibigang totoo, blessing sa buhay ko!" (KATRINA ODEJAR) Pinakamasayang Nangyari sa Buhay ko! Sa dinami rami ng mga pangyayari sa buhay ko, hindi ko na alam kung ano sa mga pangyayari na yun ang pinakamasaya. Kahit estudyante pa lamang ako, marami na rin akong pinagdaanan. Sa pamilya, sa kaibigan, sa paaralan at pati na rin sa buhay pag-ibig. Siguro kung ako ang tatanungin, kung ano nga ba talaga ang pinakamasaya sa lahat. Isa lamang ang tanging sagot ko. Ayun yung, nakilala ko si Vladys – bestfriend ko. Sa panahon ngayon, ang hirap ng makahanap ng totoong kaibigan. Sabi nga nila, sobrang swerte mo na kung makatagpo ka ng kaibigan na talagang nagtagal. Grade 8 noong nagkakilala kami. Una pa nga, nagkakahiyaan. Sa unang usap naming, “Ate Ganda” pa tawag ko sa kaniya. Sa tuwing naaalala ko yon? Mapapasabi na lang ako, “nakakadiri diba?” sabay tawa. Gaya ng normal na bestfriend goals na nakikita sa facebook, masasabi ko na kagaya namin sila. Suportado sa l...