"Ang Pamilya ang biyaya ng Panginoon upang Sumaya!"
(Macy Villanueva)
Ayon sa aking naalala, ang pinaka masayang nangyari sa aking buhay ay nung gabi ng Medya Noche kung saan buo ang aking pamilya. Naroon ang aking ama, ina at kapatid . Kami ng kapatid ko ay natutulog ng gisingin kami ng magulang namin at binuksan nila ang bintana nang bumungad sa amin mga mata ang naggagandahang fireworks sa gitna ng madilim na langit. Tuwang-tuwa kaming bumangon dalawa at nanuod kasabay ang mga magulang na nakangiti at maligaya pa sa piling ng isa't isa. Pagkatapos ng panunuod ay sabay-sabay kaming pumunta sa bahay ng aking tiya at duon mas nabuo ang aking angkan at masdayang nagsalo-salo ng masasarap na pagkain. At muling bumalik sa kanya-kanyang tahanan pagkatapos kumain at natulog ng magkakasama. Ito ay ang pinakamasayang nangyari sa aking buhay sapagkat ito ang panahon na buo at maayos pa ang aking pamilya para sa isang araw na napakaimportante. Ang pakiramdam ng may isang buong pamilya ay napakasaya basta may pamilya ang tao ang buhay ay nagiging makulay, kaya kung ako ay mabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng pamilya ito ay pangangalagaan ko at isesentro ko ang panginoon upang dumating man ang mahihirap na pagsubok sa amin kami ay mananatiling buo at matatag upang mas maging masaya ang aking pamilya. Ang pagkakaroon ng pamilya ay biyaya ng panginoon upang ang buhay ng tao ay mas maging makabuluhan at masaya sa kabila ng lungkot.
Comments
Post a Comment