Skip to main content

Posts

"Pamilya at Kaibigan"

"Pamilya at Kaibigan" (Chariz Abella) Ang pinaka magandang nangyari sa aking buhay ay ang aking pamilya at mga kaibigan dahil sila ang naging aking sandalan sa oras na aking kailangan. Sila ang nakakatulong sakin kapag ako ay may problema. Madali ko silang nalalapitan kapag kailangan ko ang tulong nila. Masaya ako dahil hindi sa kanila wala ako sa kalagayan ko ngayon. Sobra akong nagpapasalat dahil sa binigay sakin. Nasusuportahan ako sa oras ng aking pangangailangan at hindi ako iiwanan. Sobra akong masaya dahil sa kanila. wala na akong hihilingin pa dahil kumpleto nako sa mapagmahal na pamilya at kaibigan. At kahit papiliin man ako sila't sila ang aking pipiliin dahil alam ko na hanggang sa huli masusuportahan nila ako at hindi ako iiwanan. Kaya kung meron man akong papasalamatan na nangyaring maganda sa aking buhay walang iba kundi ang poong may kapal dahil siya ang may gawa ng lahat. Kung hindi dahil sa kanya ay wala tayo sa mundong ito. Dahil bali-ba...
Recent posts

"Mga Alaalang Nakalipas"

"Mga Alaalang Nakalipas" (Jay-r Tabilangon) Nung una kong maranasan ang pagsiswimming nung bata pa ako abot langit ang ngiti ko hondi ko masukat kung gaano ako kasaya nung araw na yun feeling ko wala ng makakapantay sa pagsiswimming ko sa beach. Tinitingnan ko ang paligid puro asul at berde ang halos nakikita ko naisip ko bigla ang laki pala ng mundo. hindi ko sukat akalain na masaya pala magswimming at habang tumatagal lalo akong nagiging masaya lalo na't kasama ko ang aking mga kapatid at magulang kapag kasama ko sila sobrang saya ko at wala ng hihigit pa doon . Sobrang saya ko din nung mga panahong wala haloskaming iniintinding problema. Spbrang saya ko din nung nakasakay akong eroplano kabado ako nun at pinagpapawisan ng malamig hindi ko mawari kung nananaginip lang ako na tanwa ko ang nasa baba, sobrang namangha ako sa mga nakikita ko na para bang nananaginip ako ng gising . Ang sarap isipin at balikan ng mga alaalang nakalipas na lalo na kung masa...

"Outing"

"Ou ting" (Czarina Holongbayan) Nagbalik sa aking alaala ang mga masasayang pangyayari na naganap sa aking buhay, pero ano nga ba ang pinakamasaya? Ano yung pangyayari na lubos na nagpasaya sa akin? Bakit itong pangyayari na ito ang itinuturing kong isa mga yaman ng aking buhay. Itong nakaraang bakasyon nagkakayayaan ang aming buong pamilya, ang "Holongbayan Family" para sa isang outing sa Batangas. Napakasaya ng araw ng iyon dahil nakumpleto kami. Habang nasa biyahe kami, mapabata man o matanda ay nakikisali sa biruan at kalokohan naming magpipinsan, di rin mawawala yung groupie dito groupie doon, kain dito kain doon, at lalong nagpasaya sa amin nang nakarating na kami sa resort king saan napakaganda ng kapaligiran, lalo na ang dagat. Kaming magpipisan ay nagkayayaan magisland hoping, napakaganda ng mgs rock formations na aming nakita at nang nagsnorkeling mas lalo kaming nasiyahan sa aming nakita. At pagkabalik namin sa cottage ang daming pagkain bu...

"Ang Pamilya ang biyaya ng Panginoon upang Sumaya!"

"Ang Pamilya ang biyaya ng Panginoon upang Sumaya!" (Macy Villanueva) Ayon sa aking naalala, ang pinaka masayang nangyari sa aking buhay ay nung gabi ng Medya Noche kung saan buo ang aking pamilya. Naroon ang aking ama, ina at kapatid . Kami ng kapatid ko ay natutulog ng gisingin kami ng magulang namin at binuksan nila ang bintana nang bumungad sa amin mga mata ang naggagandahang fireworks sa gitna ng madilim na langit. Tuwang-tuwa kaming bumangon dalawa at nanuod kasabay ang mga magulang na nakangiti at maligaya pa sa piling ng isa't isa. Pagkatapos ng panunuod ay sabay-sabay kaming pumunta sa bahay ng aking tiya at duon mas nabuo ang aking angkan at masdayang nagsalo-salo ng masasarap na pagkain. At muling bumalik sa kanya-kanyang tahanan pagkatapos kumain at natulog ng magkakasama. Ito ay ang pinakamasayang nangyari sa aking buhay sapagkat ito ang panahon na buo at maayos pa ang aking pamilya para sa isang araw na napakaimportante. Ang pakiramdam ng may i...

"Tagumpay"

"Tagumpay" (Dan Raniel Cuevas) Ang pinaka masayang pangyayari sa aking buhay ay noong mayo 14, 2018. Noong araw na ito nanalo ang aking ama sa pag kakonsehal ng aming barangay. Masaya ako dahil napagtamgumpayan namin ang paghihirap na ginawa nung kampanyahan. Alam ko at alam ng aking pamilya na kayang niyang gampanan at pangalagaan ang aming barangay. Pero mahirap ang isang taga-pag-alaga ng isang barangay. Kaya naman ginagawa ng aking ama ang lahat para magampanang mabuti ang sinumpaan.

"Muling Pagkabuhay"

"M uling Pagkabuhay" (Umat Gurung) Ang pinakamasayang pangyayari sa aking buhay ay noong tinanggap ko ulit ang Panginoong Diyos sa aking buhay. Nung mga oras na nawawalan na ako ng tiwala sa sarili kong kakayahan at tingin ko wala na akong makakapitan siya yung bukod tanging nakasagot sa bawat aking mga katanungan. Binuksan ko ng buong-buo ang aking isip, puso't kaluluwa para muli siyang tanggapin at makinig sa kanyang bawat salita. Sa kanya ko naranasan bumangon at mabuhay ng nakangiti, siya rin ang dahilan kung bakit akong gumagawa ng kabutihan ayon sa kanyang kagustuhan. Nais ko lang maipabatid na walang pinipiling oras o panahon para magbago o tanggapin siyang muli dahil siya mismo ang naghihintay kung kailan tayo babalik sa kanyang tabi.

“Mula sa Simula"

“Mula sa Simula" (Almond Prensino) Simula? Simula saan? Saan nga ba nagsimula ang lahat sa akin? Natuwa ba ng mga tao na ako’y nasilayan? Saan ba ako naging masaya? At tanong na bakit ako naririto sa sa mundong ibabaw? Nagsimula ang lahat sa akin ng ako ay sinilang. Sa ating mundo, masayang makita ng mga magulang ang kanilang mga anak. Maraming pagsubok na naranasan para ingatan ang kanilang mga anak, kaya nalang laking tuwa nila na tayo’y nakita. Tayong mga tao ay isinilang sa mundong ito dahil tayo ay may misyong dapat gampanan at gawin. Ang iba ay para magpasaya, mabigay importansya sa buhay, ang iba naman ay upang makatulong sa pamilya at kapwa, at ang mahalaga ay maging mabuting anak, kapatid sa pamilya at para narin sa ibang tao lalong lao na sa panginoon. Ako ay naging masaya , nasisiyahan at magiging masaya sa bawat oras ng aking buhay. Kahit na may lungkot at sakit na nararanasan mapapawi rin ito at mapapalitan ng saya. Ikaw bang nagbabasa nito? Ano satingin ...